Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 umabot na sa 10,843 – DFA

Nadagdagan ng 3 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Martes, October 6), nasa 10,843 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 79 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,141 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital kung saan 2 ang panibagong naitala.

Nanatili naman sa 6,903 ang bilang ng naka-recover o na-discharge na sa ospital.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nasa 799 kung saan 1 ang nadagdag.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,127 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 1,201 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,705 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 810 sa Americas.

Read more...