410 violators sa iba’t ibang ordinansa, nahuli sa Navotas City

By Angellic Jordan October 06, 2020 - 07:17 PM

Umabot sa 410 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (October 5), hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 6).

Pinakamaraming nahuling hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 201.

Sumunod dito ang lumabag sa curfew na umabot sa 183 kung saan 98 ang adult habang 85 ang menor de edad.

Walo naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, lima ang nahuling umiinom, tig-tatlo ang naninigarilyo at walang suot pang-itaas habang pito naman sa iba pang ordinansa.

TAGS: city ordinances violators, COVID-19 response, curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, city ordinances violators, COVID-19 response, curfew violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.