Mga programa ng ABS-CBN, mapapalabas na sa Channel 11 simula sa Oct. 10

Mapapalabas na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A2Z Channel 11 simula sa October 10.

Sa inilabas na anunsiyo ng TV network, ito ay bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc.

Maaari anilang mapanood ang A2Z Channel 11 sa Metro Manila at ilang malalapit na lalawigan.

“Magtutulungan ang ABS-CBN at Zoe para maghatid ng entertainment, public service programs, at educational shows sa publiko,” dagdag ng TV network.

Read more...