72,654 na pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 sa Oct. 5

Umabot sa kabuuang 72,654 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa araw ng Lunes, October 5 2020.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ang pinakatamaas na bilang ng commuters na sumakay sa tren simula nang magbalik-operasyon noong June 1.

Resulta anila ito ng mas mabilis na biyahe ng mga tren at dagdag na running at operational train sets sa linya ng MRT-3

Matatandaang itinaas na sa 40 kilometers per hour ang bilis ng takbo ng tren simula noong October 1.

Bunsod nito, nabawasan ang oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5 hanggang siyam na minuto sa 20 tren, pababa ng 6.5 hanggang pitong minuto.

Maliban dito, nakapag-deploy na sa MRT-3 ng 22 train sets, kabilang ang 19 CKD train sets at tatlong Dalian train sets noong September 21.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na patuloy ang mahigpit nilang pagpapatupad ng health and safety protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Read more...