Pinayagan ng Sandiganbayan 4th division si dating Philippine National Police o PNP chief Avelino Razon na pansamantalang makalaya.
Ito ay matapos maglagak ng piyansa si Razon para sa kaso nitong malversation through falsification of public documents.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan, binanggit nito ang naunang pagpayag ng korte na makapagpiyansa si dating PNP P/Director Geary Barias, na co-accused ni Razon.
Alinsunod din ito sa naunang ruling ng Korte Suprema na maaaring magpiyansa ang mga akusado dahil isang bailable offense ang malversation through falsification of public documents.
Si Razon, na nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, ay naglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P200,000.
Ang kaso ni Razon at iba pang matataas na ex-PNP officials ay kaugnay sa umano’y kahina-hinalang repair ng PNP armored vehicles noong 2007.