Sa ganitong paraan kasi aniya, maiiwasan ng mga pulis na nakawin o recycle ang mga shabu.
Halimbawa ayon sa pangulo, nakakumpiska ang mga pulis ng 20 kilo ng shabu, isang kilo lang ang inire-report pero ang 19 kilos ay niri-recycle.
Panahon na aniya para ayusin ang sistema.
Sinabi pa ng pangulo na iinspeksyunin niya balang araw ang mga pasalidad kung saan itinatago ang droga.
Utos ng pangulo sa tagapamahala sa mga pasilidad, sirain ang shabu sa suusunod na linggo dahil may mga magsasagawa naman aniya ng ocular inspection at may prosecutor naman.
Umaasa ang Pangulo na sasang-ayon sa kanya ang Supreme Court.
READ NEXT
Donald Trump nagbigay ng pahayag matapos makalabas ng ospital; sinabing maaring immune na siya sa virus
MOST READ
LATEST STORIES