Nakukumpiskang shabu dapat sirain sa loob lamang ng isang linggo

By Chona Yu October 06, 2020 - 08:15 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na sirain sa loob lamang ng isang linggo ang mga nakukumpiskang shabu.

Sa ganitong paraan kasi aniya, maiiwasan ng mga pulis na nakawin o recycle ang mga shabu.

Halimbawa ayon sa pangulo, nakakumpiska ang mga pulis ng 20 kilo ng shabu, isang kilo lang ang inire-report pero ang 19 kilos ay niri-recycle.

Panahon na aniya para ayusin ang sistema.

Sinabi pa ng pangulo na iinspeksyunin niya balang araw ang mga pasalidad kung saan itinatago ang droga.

Utos ng pangulo sa tagapamahala sa mga pasilidad, sirain ang shabu sa suusunod na linggo dahil may mga magsasagawa naman aniya ng ocular inspection at may prosecutor naman.

Umaasa ang Pangulo na sasang-ayon sa kanya ang Supreme Court.

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Illegal Drugs, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.