Carmona, Cavite MTC isinailalim sa lockdown

Sarado muna sa publiko ang Municipal Trial Court sa Carmona, Cavite.

Ito ay dahil isasara simula ngayong araw Oct. 6 hanggang bukas Oct. 7 ang Hall of Justice sa Carmona.

Pero ayon sa memorandum ni Executive Judge Niven Canlapan, mananatiling sarado ang MTC hanggang Oct. 16.

Mayroon kasing isang empleyado ng korte na nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito ang mga empleyado ng MTC ay sasailalim sa 14 na araw na home quarantine.

Ang mga nagkaroon ng close contact sa nagpositibong empleyado ay kailangang sumailalim sa swab test.

 

 

Read more...