Senator Bongbong Marcos, idinekalarang ‘supreme leader’ ng T’boli Tribe

By Jong Manlapaz March 10, 2016 - 12:11 PM

PHOTO RELEASE
PHOTO RELEASE

Ideneklara bilang T’boli Tribe Supreme Leader si Vice Presidential candidate Sen. Bongbong Marcos sa sa pagdalo nito sa 47th founding anniversary ng Municipality ng T’boli sa South Cotabato.

Bilang pagpupugay pa ng mga T’boli Tribe kay Marcos, hindi nila hinayaan na tumapak sa lupa ang senador simula ng bumaba ang helicopter nito hanggang sa makapaunta sa stage.

Pinagsuot din ng traditional wear ng T’boli si Marcos.

Ayon kay T’boli Mayor Dibu Tuan, ito ang paraan nila ng pagpapakita ng pasasalamat kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pagbuo nito munisipalidad na sinunod ang pangalan sa kanilang Tribo sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 407 noong March 5, 1974. “This is the treasure that you gave us. We cannot forget your generosity as long as we live and we can never repay it,” ani Mayor Tuan kay Marcos.

Sinabi pa ni Mayor Tuan na nang mapatalsik ang dating Pangulong Marcos sa Malakanyang, lahat sila ay umiyak at bumalik sila sa bundok at namalagi duon ng anim na buwan bilang pagpapakita ng suporta.

Nagpasalamat naman si Marcos sa T’boli Tribe sa mainit nilang pagtanggap sa kanya. “I am happy but with a little sadness, because my father is no longer around to thank all of you personally. I hope it is enough for the son to express that gratitude,” sabi pa ni Marcos.

Simula ng matatag ang munisipalidad ng T’boli noong 1974 ito ay nasa 400th ranked mula sa 900 na munisipalidad sa buong bansa.

Ayon kay Marcos, ang munisipalidad ng T’boli ay isang magandang halimbawa kung ano ang naaabot ng pagkakaisa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.