Bumagal pa ang pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong buwan ng Setyembre ay nakapagtala ng 2.3 percent na inflation rate.
Mas mababa kumpara sa 2.4 percent noong Agosto.
Sinabi ng PSA na ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation sa buwan ng Setyembre 2020 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Ito ay sanhi ng patuloy na pagbaba ng presyo ng gulay, tulad ng talong at bawang.
Nakadagdag din ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng karne, partikular ang manok at baboy.
MOST READ
LATEST STORIES