Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes (Oct. 6) ay 35,692,668 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 261,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 40,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 59,800 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 25,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,678,122
India – 6,682,073
Brazil – 4,940,499
Russia – 1,225,889
Colombia – 862,158
Spain – 852,838
Peru – 829,999
Argentina – 809,728
Mexico – 761,665
South Africa – 682,215