Donald Trump nagbigay ng pahayag matapos makalabas ng ospital; sinabing maaring immune na siya sa virus

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2020 - 08:09 AM

atapos makalabas ng ospital nagbigay ng pahayag si US President Donald Trump.

Hinikayat ni Trump ang mga mamamayan ng Amerika na huwag mangamba sa COVID-19 at huwag mawalan ng pag-asa sakaling dapuan sila nito.

Sinabi ni Trump na may de kalidad na gamit ang bansa at magaling na mga gamot.

Pinasalamatan din nito ang mga staff ng Walter Reed Medical Center kung saan siya na-admit ng tatlong araw.

Sinabi ni Trump na mabuting-mabuti na ang pakiramdam niya at pakiramdam niya ay mas malakas pa siya ngayon kumpara noong 20 taon ang nakararaan.

Bilang lider ng US, kailangan umano niyang manatili sa frontline at hindi siya natatakot sa banta ng COVID-19.

Maari pa nga aniyang immune na siya dito.

Sinabi din ni Trump na sa lalong madaling panahon ay magiging available na ang bakuna laban sa sakit.

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, donald trump, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US president, covid pandemic, COVID-19, department of health, donald trump, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.