Pahayag ito ng Centers for Disease Control and Prevention sa Estados Unidos.
Ayon sa US CDC, mas malayo ang kayang abutin ng transmission ng virus sa mga enclosed na espasyo na walang sapat na ventilation.
Ito ay lalo na umano kung ang infected na tao ay kumakanta, o nag-eehersisyo.
Sa abiso ng US CDC, nakasaad na may pagkakataon na maaring magkaroon ng airborne transmission ng sakit.
Pero ayon sa CDC mas mataas pa rin ang banta ng transmission kapag nagkaroon ng close contact sa infected na tao.
MOST READ
LATEST STORIES