Coronavirus maaring lumaganap sa “indoors” ng lagpas sa 6 feet ang layo

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2020 - 07:58 AM

Kung nasa kulob na lugar o indoors gaya ng mall, bahay at iba pa ay kayang lumaganap ng coronavirus ng lagpas sa 6 feet ang layo.

Pahayag ito ng Centers for Disease Control and Prevention sa Estados Unidos.

Ayon sa US CDC, mas malayo ang kayang abutin ng transmission ng virus sa mga enclosed na espasyo na walang sapat na ventilation.

Ito ay lalo na umano kung ang infected na tao ay kumakanta, o nag-eehersisyo.

Sa abiso ng US CDC, nakasaad na may pagkakataon na maaring magkaroon ng airborne transmission ng sakit.

Pero ayon sa CDC mas mataas pa rin ang banta ng transmission kapag nagkaroon ng close contact sa infected na tao.

 

 

TAGS: coronavirus, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US CdC, coronavirus, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US CdC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.