Bars, cafes ipasasara sa Paris para maawat ang second wave ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2020 - 07:51 AM
Nagpatupad ng maximum coronavirus alert ang pamahalaan ng Paris sa mga bar at cafe.
Isasara ng dalawang linggo ang lahat ng bar at cafe sa naturang lugar para maiwasan ang 2nd wave ng COVID-19.
Papayagan namang magbukas pa rin ang mga restaurant basta’t sumusunod sila sa safety measures.
Ang France ay nakapagtala ng dagdag na 17,000 kaso ng COVID-19 noon lamang araw ng Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.