Pagbabagong anyo ni Janine Berdin viral sa social media

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2020 - 07:32 AM

Viral ngayon sa social media ang pagbabagong anyo ng singer, songwriter at “Tawag ng Tanghalan” grand champion Janine Berdin.

Unang ibinahagi sa Facebook page ng ML Salon and Spa ang mga larawan ni Berdin na nagbago ng kulay ng buhok.

Nakausong kulay ng buhok na purple ash si Berdin.

Pero maliban sa kulay ng buhok, mas napansin ng netizens ang pagbabago ng itsura ng singer.

Marami ang nag-komento na tila nagparetoke ng ilong si Berdin.

May mga nag-post din ng before and after na larawan ni Berdin para makita ang malaking pagbabago sa itsura nito.

Taong 2018 nang manalo sa Tawag ng Tanghalan si Berdin bilang grand winner sa edad na 16.

 

 

TAGS: Inquirer News, Janin Berdin, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tawag ng Tanghalan Grand Champion, Inquirer News, Janin Berdin, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tawag ng Tanghalan Grand Champion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.