Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 178.36 meters alas-6:00 umaga ng Martes (October 6) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 178.56 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.66 meters mas mataas ng bahagya sa antas nito kahapon na 99.65 meters habang nanatili ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 79.41 meters.

Samantala, ang water level ng San Roque, Pantabangan, at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Binga at Caliraya dams.

Ang antas ng tubig ng Ambuklao dam ay nanatili sa 744.79 meters.

 

 

Read more...