Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 7,316

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, October 4), nadagdagan ng 77 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 7,316.

Sa nasabing bilang 924 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 297.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 8,537 na.

Read more...