Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 41,309

By Mary Rose Cabrales October 06, 2020 - 04:56 AM


Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (October 5, 3:00 PM) nakapagtala ng 607 na bagong kaso kaya pumalo na sa 41,309 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 11,039
Laguna – 12,859
Batangas – 7,309
Rizal – 7,920
Quezon – 2,182

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,235.

Nasa 23,124 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 686 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,202
Laguna – 8,130
Batangas – 4,252
Rizal – 3,321
Quezon – 1,219

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 950 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 238
Laguna – 220
Batangas – 176
Rizal – 246
Quezon – 70

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: “I wish him well and good Health”., Batangas, cavite, coronavirus, COVID-19, laguna, Quezon, Rizal, “I wish him well and good Health”., Batangas, cavite, coronavirus, COVID-19, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.