170 kaso ng COVID-19, nadagdag sa Western Visayas
Nagpositibo ang 170 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 5, umakyat na sa 12,490 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,720 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 75.11 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
101 naman ang gumaling pa kaya 8,499 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 271 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.