Sec. Bello, inihirit ang pagtaas sa 70% kapasidad ng public transport

By Jan Escosio October 05, 2020 - 11:32 PM

Sa pagpayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na makabalik na ng 100 porsyento ang operasyon ng mga negosyo, humirit naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na iangat sa 70 porsyento ang ridership capacity ng pampublikong transportasyon.

Sinabi ni Bello na nahihirapan na ang mga manggagawa na makasakay papasok ng trabaho at pauwi.

Nanatiling limitado ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon dahil sa patuloy na pagpapatupad ng isang metrong distansya sa pagitan ng mga pasahero.

Una nang binawasan ng Department of Transportation (DOTr) ang distansiya ng mga pasahero, ngunit pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng iba’t ibang sektor na panatilihin ang isang metro para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero.

Ikinatuwa naman ni Bello ang hakbang ng DTI dahil aniya, makakabalik na sa trabaho ang mga manggagawa.

TAGS: 70-percent public transport, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Silvestre Bello III, 70-percent public transport, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.