Isang kalsada sa Lantapan, Bukidnon sarado muna sa mga motorista dahil sa landslide

Nag-abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 10 na hindi muna maaaring dumaan ang mga motorista sa isang kalsada sa Lantapan, Bukidnon.

Ito ay dahil sa nangyaring landslide matapos ang tuluy-tuloy na malakas na ulan.

Apektado ng landslide ang Jct. Aglayan-Alanib-Ticalaan Road sa bahagi ng Barangay Songco.

Nagsasagawa na ng clearing operation sa naturang lugar.

Mayroon na ring tauhan ng kagawaran para magbantay ng trapiko sa lugar.

Read more...