2 pulis sa bawat barangay para sa ‘peace and order’
Binabalak ng Philippine National Police o PNP na maglagay ng police assistance desk sa bawat barangay para paigtingin ang presensiya ng mga pulis sa komunidad.
Makakatulong ng mga barangay tanod, ayon kay PNP Chief Camilo Cascolan, ang mga pulis sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Maaari ring maiwasan na maimpluwensiyahan ng New People’s Army (NPA) ang barangay dahil sa presensiya ng pulis.
Ang plano ay pagpapalawig ng umiiral ng “Pulis sa Barangay” program ng pambansang pulisya na sinimulan noong administrasyong-Aquino, ngunit hindi naman nailatag nang husto dahil sa kakulangan ng pulis para sa higit 42,000 barangay sa bansa.
Ngunit, tiwala si Cascolan na ngayon ay uubra na ang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.