Sen. Sotto, nagpasalamat sa mataas na Pulse trust rating

SENATE PRIB PHOTO

Nananatiling mataas ang tiwala ng sambayanan kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, base sa resulta ng Ulat sa Bayan survey ng Pulse Asia noong Setyembre.

Nakakuha si Sotto ng 84 porsyentong approval rating at anim na porsyento lang ang hindi bilib sa kanyang paglilingkod bilang mambabatas.

“Thank you! Its nice to know that our people acknowledge my effort as the leader of the Senate. I will continue to remain consistemt and commit to work hard even during these uncertain times,” ang mensahe ni Sotto.

May 79 porsyento naman ang nagsabi na may tiwala sila sa namumuno sa Senado.

Una sa posisyon na may mataas na performance rating ay si Pangulong Rodrigo Duterte at pumangalawa sa kanya sa Sotto.

Halos hindi nagbabago ang bilang ng mga may tiwala at bilib kay Sotto simula nang pamunuan nito ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso dalawang taon na ang nakakalipas.

Read more...