3 patay sa gumuhong construction site sa Antipolo

By Ricky Brozas March 10, 2016 - 11:30 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nasawi ang tatlong manggagawa sa isang construction site sa Barangay Sta. Cruz, Cogeo Antipolo Rizal.

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Kinilala ang mga nasawi na sina Darwin Villegas, Teten Villegas at Reiny Villegas na pawang residente ng Marikina City. Habang ang isa pang manggagawa na si Jessie Lorica ay sugatan at isinugod na sa ospital.

Dalawa sa mga nasawi ay magkapatid at ang isa ay kanilang pinsan.

Ayon sa mga rescuers, ang mga biktima ay pawang trabahador ng itinatayong 2-storey residential building sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay Sta. Cruz.

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Naganap ang insidente alas 8:30 ng Huwebes ng umaga habang nagtatayo umano ng poste ang mga ito nang bigla na lamang gumuho ang lupa at sila ay natabunan.

Nakasuot naman ng safety gear ang mga manggagawa, pero nang marecover ang hard hat ng isa sa kanila ay nawasak din ito.

Sa detalye ng building permit ng itinatayong gusali, ito ay pag-aari ng mag-asawang Jacinito Catipay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.