Sen. Tolentino ginisa ang Office of the Solicitor General sa malalaking travel allowances

By Jan Escosio October 05, 2020 - 10:04 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hindi pinalusot ni Senator Francis Tolentino ang hirit ng Office of the Solicitor General na malaking travel allowance sa kabila ng pandemiya.

Sa deliberasyon para sa 2021 budget ng opisina ni Solicitor General Jose Calidad, pinuna ni Tolentino ang karagdagang P21.4 milyon travel budget ng ahensiya.

“Eh kasagsagan pa po next year ng COVID-19, saan naman po tayo magpo-foreign travel?” ang tanong ni Tolentino kay Assistant Solicitor General
Henry Angeles, na kumatawan kay Calida.

Katuwiran ng senador, maaaring hanggang sa susunod na taon ay limitado pa rin ang mga pagbiyahe at tanong pa niya kay Angeles,”eh kahit ‘yong 2020 e hindi niyo siguro nagamit ‘yong foreign travel fund. Ngayon, malaki pa ‘yong hinihingi niyo. Hindi ko alam kung saan kayo magta-travel. Hindi naman siguro sa Boracay.”

Kinuwestiyon din nito ang mga malalaking allowance at luho na natatanggap ni Calidad sa nakalipas na taon at sa ulat ng COA noong 2019, pangalawa siya sa mga opisyal ng gobyerno sa pinakamataas na kinita sa trabaho.

Binanggit din ni Tolentino, ang pagsawsaw ng OSG sa mga hindi naman nila trabaho, tulad ng pag-iimbestiga sa mga umano’y tiwaling opisyal.

TAGS: 2021 OSG budget, Francis Tolentino, Inquirer News, Office of the Solicitor General, Radyo Inquirer news, travel allowances ng OSG, 2021 OSG budget, Francis Tolentino, Inquirer News, Office of the Solicitor General, Radyo Inquirer news, travel allowances ng OSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.