Halos 300 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 05, 2020 - 08:41 PM

Umabot sa 290 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (October 4), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 5).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 167 kung saan 112 ang adult habang 55 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 113.

Dalawa naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, anim ang nahuling umiinom habang tatlo sa iba pang ordinansa.

TAGS: city ordinance violators, COVID-19 response, curfew violations, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, city ordinance violators, COVID-19 response, curfew violations, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.