Nangyaring botohan para ibasura ang ‘offer of resignation’ ni Speaker Cayetano, labag sa rules – Rep. Teves

By Erwin Aguilon October 05, 2020 - 06:19 PM

Labag sa rules ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nangyari noong nakalipas na linggo kung saan nagbotohan ang mga kongresista nang ipabasura ang inihaing resignation ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr., habang isinasagawa ang botohan kung tatanggapin ba ang pagbibitiw ni Cayetano ay naka-mute naman silang mga kongresista.

Nag-raise aniya siya ng “point of order” ngunit hindi siya makapasok dahil siya ay naka-mute.

Giit ni Teves, makailang beses din niyang sinubukan na i-unmute ang sarili ngunit hindi ito pinapayagan ng host ng Zoom meeting at kahit pa may tinawagan siya sa Kamara ay hindi pa rin napagbigyan ang kaniyang mosyon.

Naniniwala rin ito na binubully ng Kamara ang proseso dahil ang “point of order” ay priority motion na siyang dapat na sinusunod at ang insidente noong nakaraang linggo kung saan lahat sila ay naka-mute ay labag sa proseso ng House rules.

Hindi rin kumbinsido ang kongresista sa resulta na naging botohan sa plenaryo noong nakaraang linggo kung saan sa botong 184 na YES, 1 na NO at 9 na ABSTAIN ay ibinasura ang pagbibitiw ni Speaker Cayetano sa posisyon.

TAGS: 18th congress, Alan Peter Cayetano, house leadership, House Speakership issue, Inquirer News, offer of resignation Cayetano, Radyo Inquirer news, Rep. Arnulfo Teves Jr., 18th congress, Alan Peter Cayetano, house leadership, House Speakership issue, Inquirer News, offer of resignation Cayetano, Radyo Inquirer news, Rep. Arnulfo Teves Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.