Mga naka-recover sa COVID-19 sa Muntinlupa City, nasa 4,033 na

Nasa 4,382 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 5), sa nasabing bilang ay 204 ang aktibong kaso.

636 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 198 ang suspected cases.

Samantala, 4,033 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 145 naman ang nasawi.

Read more...