Ilegal at forced Chinesed labor sa bansa pinaiimbestigahan sa senado

October 05, 2020 - 11:41 AM

Naalarma ang isang good governance advocacy group sa talamak na “illegal and forced” Chinese labor sa bansa, lalo na sa construction projects.

Sa liham ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) kay Senators Juan Miguel Zubiri at Francis Pangilinan, ay kanilang ipinunto ang anila’y “ incessant, unbated, at illegal influx” ng mga Chinese laborers sa bansa na umaagaw at napagkakaitan ang mga manggagawang Pinoy ng hanapbuhay.

Sabi ng Pinoy Aksyon: “reports reaching us that ‘forced labor’ is being employed by Chinese companies with projects here in the Philippines. Allegedly, prisoners are sent here for involuntary labor. If true, and left unchecked this could make the country complicit to this blatant violation of human rights laws and International Labor Organization conventions.”

Ang naturang mga manggagawa umano ay gumagawa ng mabababang trabaho sa larangan ng konstruksiyon at hindi bihasa sa technical work na malinaw na paglabag sa mga batas sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling datus, umakyat sa 10 percent ang unemployment sa bansa noong Hulyo ng taong kasalukuyan kumpara sa kaparehong panahon noong 2019, mula 5.4% patungo sa 17.7%.

Sa pinakahuling survey naman ng Social Weather Station ay nakasaad na dumami ang bilang ng pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom sa mahigit pitung milyon.

Kahit pa anila inaasahan na bababa sa walong porsiyento ang unemployment sa bansa dahil sa pinaluwang na quarantine restrictions at pagsisimula ng Christmas season, ang naturang pigura ay mas mataas pa rin kumpara sa normal na panahon.

Ayon sa Pinoy Aksyon, kailangan palakasin ang mga hakbangin para palakasin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paglikha ng maraming trabaho lalo na sa grassroots.

Ang build build build program ng Duterte administration ay isa umano sa major job generators, gayunman ay may ibang nakikinabang pagdating sa employment na nililikha ng build build build program.

“We have been told by a group of Filipino contractors that thousands of Chinese workers are filling up what could have been jobs exclusively for Filipinos. And these Chinese workers enjoy better wages and perks than Filipino workers,” saad sa liham ng grupo.

Sa kabilang banda ay may mga Chinese Army enlisted personnel at mga convicted criminals umano na kasapakat ng mga gang ng Chinese workers na nasa construction projects.

Hiniling ng Pinoy Aksyon kay Zubiri at Pangilinan na gumawa ng Senate Resolution para magsagawa ng Senate Investigation sa hindi patas na hakbang ng mga Tsino, illegal at unjust practice.

Kailangan din anila umaksiyon ang Dept. of Labor and Employment (DOLE), DPWH, Bureau of Immigration, construction company associations, kasama na ang Philippine Construction Accreditation Board, labor groups at iba pang stakeholders.

Ang Pinoy Aksyon ay isang independent advocacy group at think-tank na nagkakaloob ng platform for dialogue sa pamahalaan, environment, consumer rights at sustainable development issues.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.