Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (October 5), umabot na sa 324,762 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 45,799 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,291 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 1.6 porsyento ang severe habang 3.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 64 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,840 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 87 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 273,123 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.