1,560 PCG personnel, gumaling na sa COVID-19

By Angellic Jordan October 05, 2020 - 03:11 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumaling sa COVID-19.

Sa datos mula September 29 hanggang October 2, umabot na sa 1,560 ang napaulat na gumaling sa nakakahawang sakit.

29 ang bagong naka-recover habang wala namang napaulat na nasawi.

Samantala, nasa 1,630 naman ang kabuuang bilang ng PCG personnel na tinamaan ng pandemya.

Sa nasabing bilang, 70 pa ang aktibong kaso.

Hanggang October 2, nakapagtala rin ng 22 kaso ng reinfection kung saan lima ang nananatiling aktibo at 17 ang gumaling na sa ikalawa at ikatlong beses na reinfection.

Tiniyak ng PCG na regular na tinututukan ang kondisyon nito.

Nagpasalamat naman si PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng PCG personnel na naapektuhan ng COVID-19.

Samantala, sinabi ng ahensya na nakatakdang pasinayaan ang PCG quarantine facility na kayang mag-accommodate ng 224 frontline personnel sa October 10.

Makatutulong sa PCG Medical Service ang pasilidad upang mas mapabilis ang paggaling ng active COVID-19 cases sa ahensya.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, PCG COVID-19 cases, PCG COVID-19 deaths, PCG COVID-19 recoveries, PCG personnel affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, PCG COVID-19 cases, PCG COVID-19 deaths, PCG COVID-19 recoveries, PCG personnel affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.