Mga Cabinet official ng Aquino admin, pinaghahain ng accomplishment report.
Pinagsusumite ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang lahat ng miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III ng “accomplishment report” habang sila ay pwesto sa nakalipas na anim na taon.
Ayon kay Belmonte, ang naturang report ay hindi lamang rekord ng mga nagawa ng cabinet officials, kundi magsisilbing “good source” ng mga impormasyon ng publiko at guideline din para sa mga successor ng mga opisyal.
Kabilang din aniya sa mga kailangang nakasaad sa brief report ay ang mga problema na kinaharap ng cabinet officials at mga departamento sa pagpapatupad ng mga plano at programa, bukod pa ang mga rekumendasyon kung paano maiiwasan ang mga naturang suliranin sa hinaharap.
Katwiran ni Belmonte, sa taunang State of the Nation Address o SONA ni Presidente Aquino kadalasang naririnig ang records of achievements ng iilang miyembro ng gabinete, at bitin pa ito o nasa dalawang paragraphs lamang.
Pero kung gagawa aniya ng sariling report ang cabinet secretaries, mas maiha-highlight ng mga ito ang lahat ng kanilang mga nagawa at performance maging ang hamon na naranasan sa nakalipas na anim na taon sa sebisyo sa administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.