NCR, ilang lugar sa Luzon makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:43 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna at Batangas.

Maaapektuhan din ang Metro Manila partikular sa Quezon City at Maynila; Tagkawayan, Quezon.

Uulanin din ang Cabangan, Iba, Palauig, Candelaria at Santa Cruz sa Zambales.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...