Mula January hanggang August 2020, kabuuang 9,250 na seniors ang nakatanggap ng pneumococcal shots mula sa Quezon City Health Department, habang 7,690 iba pa ang nabigyan ng flu vaccines.
“Ginagawa natin ito para mas maprotektahan ang ating mga lolo at lola sa banta ng COVID-19. Naiintindihan naman natin na minsan ay hindi talaga maiiwasan na hindi sila lumabas sa kani-kanilang bahay lalo na yung naghahanapbuhay pa at inaasahan ng kanilang pamilya,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang city health care workers sa pag-iikot sa bawat barangay upang magbigay ng pneumococcal at flu shots sa seniors.
Maliban dito, nagbigay din ng dalawang washable face masks sa bawat senior citizen.
Aabot naman sa 300,000 senior citizen ang naging benepisyaryo ng Kalingang QC.
Kasabay ng paggunita sa Elderly Filipino Week, nagsagawa rin ang Office for the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng mga serye ng webinars para seniors.
Nagkaroon din ng libreng eye screening services para sa seniors.
“We are doing these for our beloved senior citizens as they greatly contributed to the development of our city as well as our nation and continuously imparting their wise and noble guidance and support to their families and their communities,” ani QC-OSCA chief Atty. Bayani Hipol.