Ayon kay Villafuerte, nililinlang nina Buhay Rep. Lito Atienza at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon si Pangulong Duterte sa kanilang mga pahayag ukol sa makukuhang numero.
Inihayag anya ng mga ito na suportado ng Partylist bloc si Velasco gayung sina Anakalusugan Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta ay bumoto upang ibasura ang resignation bilang speaker ni Cayetano.
Ibinilang din anya ng mga ito ang nasawi ng si Senior Citizen Rep. Francisco Datol na papanig sa kanila.
Sa PDP-Laban naman anya na sinasabing suportado ang Speakership bid ni Velasco ay Malabo din dahil nasa panig ni Cayetano sina Deputy Speaker Johnny Pimentel at Deputy Speaker Dong Gonzales na mga miyembro nito.
Para naman kay Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, nagdo-double talk ang mga kaalyado ni Velasco partikular si Atienza, matapos nitong sabihin na insulto sa pangulo ang hindi pagbototo sa Marinduque solon bilang speaker pero dati ay tinawag nitong mga tuta ng pangulo ang mga bumoto upang hindi mare-new ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.