Kampo ni Marinduque Rep. Velasco desperado na

By Erwin Aguilon October 05, 2020 - 12:21 PM

Tinawag na desperado ni Deputy Speaker at Camarines Rep. Lray Villafuerte ang mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco kaugnay sa pagpapalabas na mayroon ang mga itong numero para makaupong speaker si Velasco.

Ayon kay Villafuerte, nililinlang nina Buhay Rep. Lito Atienza at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon si Pangulong Duterte sa kanilang mga pahayag ukol sa makukuhang numero.

Inihayag anya ng mga ito na suportado ng Partylist bloc si Velasco gayung sina Anakalusugan Rep. Mike Defensor at Deputy Speaker Rodante Marcoleta ay bumoto upang ibasura ang resignation bilang speaker ni Cayetano.

Ibinilang din anya ng mga ito ang nasawi ng si Senior Citizen Rep. Francisco Datol na papanig sa kanila.

Sa PDP-Laban naman anya na sinasabing suportado ang Speakership bid ni Velasco ay Malabo din dahil nasa panig ni Cayetano sina Deputy Speaker Johnny Pimentel at Deputy Speaker Dong Gonzales na mga miyembro nito.

Para naman kay Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, nagdo-double talk ang mga kaalyado ni Velasco partikular si Atienza, matapos nitong sabihin na insulto sa pangulo ang hindi pagbototo sa Marinduque solon bilang speaker pero dati ay tinawag nitong mga tuta ng pangulo ang mga bumoto upang hindi mare-new ang prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.