P4B sa Bayanihan 2 fund ipambili ng laptops ng mga guro, hirit ni Sen. Win Gatchalian
Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na mas malaking tulong kung ang nailaan na P4 bilyon sa Bayanihan 2 para sa pagkasa ng ‘new normal education’ ay ipambili ng laptops para sa mga guro.
Sinabi nito na marami pa rin guro ang walang laptop at hindi naman sila kaya din bigyan ng mga lokal na pamahalaan.
Katuwiran ng senador malaking tulong sa mga guro ang laptop sa paggawa ng modules na ipamamahagi sa mga estudyante.
Giit nito, ang unang mahalagang hakbang na dapat gawin ay bigyan ng suporta ang mga guro.
Itinutulak naman ni Sen. Francis Pangilinan na madagdagan ang chalk allowance ng mga guro, para sa paggawa at produksyon ng modules gayundin sa Internet connection.
Batid aniya naman na madalas ay abonado pa ang mga guro sa pagtupad sa kanilang tungkulin kayat aniya nararapat lang na madagdagan ang P3,500 chalk allowance ng mga guro.
Ibinahagi ni Pangilinan na sa diskusyon ukol sa panukala, may mga senador ang nagsabi na hindi pa rin magiging sapat ang karagdagang P1,500.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.