Sens. Villanueva at de Lima kinilala ang sakripisyo ng mga guro
Sa paggunita ngayon araw ng World Teacher’s Day at kasabay ng pagsisimula muli ng mga klase, pinapurihan ni Senators Joel Villanueva at Leila de Lima ang mga guro.
Sa kanyang mensahe para sa mga guro, kinilala ni Villanueva ang patuloy na pagsasakrispyo ng mga guro sa pagkasa ng new normal education.
Aniya sumabay na rin ang mga guro sa agos ng pagbabago at hindi na sila komontra sa mga bagong pamamaraan sa para maipagpatuloy ang pagbibigay edukasyon sa mga bata at kabataan.
Tiwala ang senador na malaking hamon man sa mga guro ang gagawing pagtuturo, tiwala ito na magagawa pa rin ng mga pumapanday sa dunong ang kanilang trabaho.
Samantala, nagbigay pugay din si de Lima sa mga guro dahil sa pananatiling matatag para patuloy na makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa gitna ng pandemiya.
Sinabi nito, ang pagdinig sa mga hinaing at pagbibigay sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas ang tangi nilang maisusukli sa mga sakripisyo ng mga guro.
Kaya aniya hinihimok niya ang DepEd na patuloy na punan ang mga bakanteng posisyon sa pagtuturo at sinusuportahan niya ang pagkuha ng kagawaran ng mga teacher aides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.