Mga dayuhang may partner sa Pilipinas posibleng mapayagan nang makabiyahe sa bansa
Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force na bawiin ang travel restrictions sa mga foreign national na mayroong partner sa Pilipinas.
Pahayag ito ng IATF sa gitna ng kumakalat na hashtag na #LoveIsNotTourismPH.
Ayon kay IATF co-chairman Karlo Alexi Nograles, dagsa ang panawagan ng mga Filipino sa IATF na payagan nang makapasok sa bansa ang mga foreign national.
Sabik na kasi aniya ang mga Filipino na makasama ang kanilang mga partner habang ang iba naman ay gustong magpakasal na sa mga dayuhang kasintahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.