P4M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa Caloocan

Aabot sa mahigit P4 na milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa Caloocan City.

Sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO), naaresto ang mga suspek na sina Abdul Sulong, 33 anyos, at Taya Sulong, 65 anyos.

Nadakip sila sa Villa Enrico Heights sa Barangay 171.

Target ng naturang operasyon si Abdul na nasa drugs watchlist ng pulisya.

Nakumpiska sa dalawa ang pitong plastic bags na naglalaman ng shabu na aabot sa 600 gramo ang bigat.

 

 

 

Read more...