Klase sa Occidental Mindoro nagbukas ngayong araw sa kabila ng naitalang magnitude 5.6 na lindol

Nagpatuloy ang pagbubukas ng klase sa Occidental Mindoro.

Sa kabila ito ng naitalang magnitude 5.6 na lindol kaninang alas 2:16 ng madaling araw.

Ayon kay Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano, wala namang naitalang major damage sa probinsya.

Sinabi ni Gadiano na batay sa ulat na natanggap niya mula kay Schools Division Superintendent Roger Capa at Mario Mulingbayan – Provincial DRRM Officer walang suspensyon ng klase sa lalawigan.

Tatlong araw bago magbukas ang klase sinabi ni Gadiano na nakumpleto na din ang pamamahagi ng modules sa probinsya

 

 

Read more...