Blended learning tampok sa Google Doodle ngayong araw
Tampok sa Google Doodle ang pagbubukas ng klase ngayong araw sa mga pampublikong paaralan.
Sa doodle ng Google makikita ang mga gamit ng mga mag-aaral gaya ng bag, lapis, gunting, ruler, ballpen at iba pa.
Pero dahil blended learning ang iiral bunsod ng pandemya ng COVID-19, makikita din sa Google Doodle ang laptop na sumisimbolo sa virtual leaning.
Kasama din sa larawan ang face mask na simbolo naman ng pagkakaroon pa rin ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Ngayong araw Oct. 5 ganap nang nagbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan na kasabay ng paggunita sa World Teachers’ Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.