India nakapagtala ng mahigit 74,700 kaso ng COVID-19 sa magdamag
Umabot na sa mahigit 6.6 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.
Sa magdamag, mahigit 74,700 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.
Mahigit 5.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India.
Mas mataas ang bilang ng recoveries ng India kumpara sa bilang ng mga gumaling sa Estados Unidos na mahigit 4.8 million.
Samantala, mahigit 936,000 pa ang active cases sa India.
May naitala ding dagdag na halos 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 102,714 na.
Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.