Taxi nagliyab sa Timog Avenue sa QC

By Ricky Brozas March 10, 2016 - 08:05 AM

timog cor scout jamboreeNasunog ang unahang bahagi ng isang taxi habang binabagtas nito ang bahagi ng Timog Avenue sa kanto ng Jamboree Street sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa driver na si Robert Santorias ng JMVR Taxi na may plate number PXZ 195, galing siya sa Binondo sa Maynila at pagsapit sa bahagi ng Timog ay napansin niyang may umuusok sa hood ng taxi.

Nagpasya si Santorias na agad pababain ang kaniyang pasahero matapos makita ang usok na nauwi sa tuluyang pagliliyab.

Mabilis namang nakaresponde ang mga tauhan ng Barangay South Triangle kaya agad naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher.

Wala ring nasaktan sa nasabing insidente.

Posible umanong faulty electrical wiring ng sasakyan ang dahilan ng pagliliyab.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.