Vintage bomb nadiskubre sa Isabela City, Basilan
May natagpuang vintage bomb ang mga sundalo sa bahagi ng Isabela City sa Basilan.
Sa ulat ng Western Mindanao Command, natagpuan ang bomba sa Barangay Isabela Proper ng mga tauhan ng 16th Special Forces Company ng Philippine Army at Explosives and Ordnance Team ng PNP.
Ayon kay Joint Task Force Basilan commander Colonel Domingo Gobway, ang bomba ay unang nadiskubre ng isang sibilyan.
Tinatayang 1,000 pounds ang bigat ng vintage bomb na nakita ng back hoe operator.
Agad dinala sa 4th Special Forces Battalion headquarters sa Barangay Cabunbata ang bomba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.