Presyo ng produktong petrolyo may dagdag bawas ngayong linggo

Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Tinatayang nasa 5 hanggang 10 centavos ang madaragdag sa bawat litro ng gasolina.

15 hanggang 20 centavos naman agn dagdag sa bawat litro ng kerosene.

Samantala, posible namang walang paggalaw o ‘di kaya ay mayroong 5 centavos na bawas sa bawat litro ng diesel.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad na price adjustment.

 

 

 

Read more...