Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (October 4, 3:00 PM) nakapagtala ng 311 na bagong kaso kaya pumalo na sa 40,702 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 10,977
Laguna – 12,702
Batangas – 7,190
Rizal – 7,686
Quezon – 2,147
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,322.
Nasa 22,438 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 59 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,202
Laguna – 7,714
Batangas – 4,172
Rizal – 3,132
Quezon – 1,218
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na sa 942 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 238
Laguna – 217
Batangas – 175
Rizal – 245
Quezon – 67
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay