395 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 04, 2020 - 07:34 PM

Umabot sa 395 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Sabado ng hapon (October 3), hanggang 5:00, Linggo ng hapon (October 4).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 205 kung saan 116 ang adult habang 89 ang menor de edad.

Nasa 58 naman ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask.

Aabot sa siyam ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang 119 sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violation, GCQ violation, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violation, curfew violation, GCQ violation, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.