Halalan sa May 9, posibleng hindi matuloy – COMELEC

By Kathleen Betina Aenlle March 10, 2016 - 03:46 AM

 

Inquirer file photo

Mismong si Commission on Election (COMELEC) Chairman Andres Bautista na ang nagsabi na may posibilidad na ma-urong ang petsa ng eleksyon. Ayon kay Bautista, malaki talaga ang magiging epekto ng utos ng Supreme Court kaugnay sa pagbibigay ng voter receipts sa halalan.

Aniya pa, kung kailangan talagang ipagpaliban ang halalan, ipagpapaliban nila ito.

Gayunman, inamin ni Bautista na hindi naman nila ito kayang gawin mag-isa dahil mangangailangan ito ng lehislasyon.

Sakaling ipaubaya ng batas, isasagawa ang eleksyon sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo.

Kahapon ay nag-sagawa ng emergency meeting ang COMELEC kasama ang buong Project Management Office (PMO) at ang kanilang service provider na Smartmatic International.

Napag-usapan aniya nila ang tungkol sa pagpapaliban ng halalan, dahil isa na ito sa kanilang mga options kaya pinag-aaralan na rin nila kung kailangan na ba nilang pagdesisyunan ito.

Ngayong araw, magkakaroon naman ng special en banc session ang COMELEC para mapag-desisyunan na ang ilan pang mga isyu tulad na lamang ang pag-evaluate sa kanilang election timetable.

Una nang sinabi ng COMELEC na magha-hain sila ng motion for reconsideration sa Supreme Court, upang maipakita nila kung bakit nila nakikitang isang kumplikasyon ang pagbibigay ng resibo sa proseso ng halalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.